Thursday, September 30, 2004

mga alaala

*wrote this while watching jojie sleep

naalala mo pa ba nung una tayong pinakilala? simpleng ngiti lang ang binigay mo sa akin sapagkat siya lang ang gusto mong makita.

naalala mo pa ba nung una tayong nagkasama? sa kahabaan ng kalsada, nalaman kong masaya ka palang kasama.

naalala mo pa nung pauwi tayo galing glorietta? sinadyang kong mauna pero pag lingon ko at nakita ko kayong magkasama, kahit na hindi kita gusto, nainggit ako sa kanya.

naalala mo pa nung una kong sinagot ang telepono at ikaw ang nasa kabilang linya? sinabi ko sa iyo na hindi kita tutulungan na mapahulog mo siya. sinabi mo na ang pakay mo lamang ay makilala ako, napansin mo rin pala na masaya akong kasama.

naalala mo pa nung lubos na tayong nagkakilala? kumbinsido na kong magiging masaya ang sino man na iyong makasama.

naalala mo pa nung una kong sinabi sa iyo na hindi na kaming dalawa? sinabi mo sa akin na hindi ko naman kakayanin na mahiwalay sa kanya.

naalala mo pa nung pumunta ako ng canada? ilang beses kong inangat ang telepono para tawagan ka pero inisip ko, bakit pa, wala naman tayong pakialam sa isa't-isa. isa pa, tama ka, nagkasama uli kaming dalawa.

naalala mo pa nung sinabi kong hindi na talaga kaming dalawa? naniwala ka na.

naalala mo pa nung nagkita tayong dalawa? hindi lang pala sa linya nagkakasundo tayong dalawa.

naalala mo pa nung niyaya mo ko na muling magkita? ilang beses akong humindi, takot sa kahihinatnan nating dalawa.

naalala mo pa nung pinipilit kitang ligawan siya? sabi ko, sige na, para magka-girlfriend ka. sabi mo ayaw mo talaga.

naalala mo pa nung unang date nating dalawa? pag-uwi, inamin ko sa sarili na ang pagkakaibigan natin totoong iba na.

naalala mo pa nung una mong sinabing mahal mo ako? nagulat ako pero lubos na sumaya.

naalala mo pa nung una kong sinabing mahal kita? naramdaman ko ang iyong saya.


ang daming na nating alaala. lahat nga mga iyon tayong dalawa ang magkasama. totoo, hindi lahat naging madali at masaya pero sa lahat napatunayan nating para talaga tayo sa isa't-isa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home