Monday, February 07, 2005

Kwento Ratings

these are the the libre suppliers that i got kasi either hindi sila professional suppliers or friends ko sila. hehe!

Makeup: Kat Manalo - Very highly recommended

i think i posted about kat several times na. she's been my friend since grade school and after college, she worked as a writer. nagulat when she told me one day that she quit her job to be a MUA. wooh! who quits a good paying job to be a makeup artist? but syempre full support ako kahit na hindi pa ako aware before na gusto niya pala talaga mag-makeup. at ang galing kasi she's really good at what she does now. she does makeup for fashion shows, for celebrity shoots, etc. she's presently the beauty and fashion editor of good housekeeping. she also appears regularly (weekely ata) in unang hirit dun sa segment nila about fashion. she's been interviewed a couple of times by MTV asia.

when i had my trial makeup with her, nung una, takot pa ako kasi hindi niya pa naman ako name-make-up-an ever. but after our session, natuwa talaga ako kasi ang ganda nung makeup ko. kahit na yung prenup photgrapher ko that time (carlo villongco) praised my makeup. tapos ang ganda lumabas nung prenup pictures ko.

come wedding day, i just told her na basta bridal look (hindi bridal look yung trial ko sa kanya. pang-pictorial shoot). ang gandang lumabas at ang ganda ko sa pictures! hahaha! sobra talaga akong happy. :)


Singers: Denden Atanacio (92 AD soloist) - Very highly recommended

Denden was my classmate in a couple of classes. I also worked with him before in a couple of cases in the clinic where we both used to work.Magaling siya talagang kumanta. as in. as part of 92 AD (which is this really good singing group), he is asked to sing for ABS CBN palagi.

when i first invited him to my wedding (ang alam ko pa aalis siya papuntang states ng december so malabo na makapunta sya), tinanong nya ako kung kakanta raw siya. sobra talaga akong natuwa. nahihiya kasi ako na pakantahin siya tas siya pa ang nag-offer!

a few months before my wedding, we talked again about schedules. sobra daming singing engagements ng 92 AD for dec 18. alam ko mahihirapan siya sa sched pero sabi ko siya lang ang makakanta ng bridal march ko. tinanong niya ako kung ano yun. and when i said "The Prayer ung march ko sana", natawa lang siya. sabi niya, siya nga lang! hahaha!

on the day of our wedding, denden came to just sing. pagkatapos niiyang kumanta, alis na siya agad para humabol sa group nila. ang ganda-ganda-ganda raw ng pagkanta niya. hindi napansin ng mga tao na live yung pagkanta at hindi CD. sobrang natuwa talaga si bernard (see wedding kwento). since i unconsciously blocked the music in my mind, i went to our photographer to watch the raw video and hear him sing. ang galing talaga! kahit nung pinapanood ko, nag-isip pa ako kung siya nga yun or CD.


Singer: Abie Co - Very highly recommended

Naku! hindi na ako magkukuwento. basta ang galing ni abie (hehe! magkukuwento rin pala!) first heard abie sing during the
w@w5ive. sobrang nakakatawa yun kasi among the volunteers, kami lang ni abie ang walang kasamang h2bs kaya sabi namin magsamama na lang muna kaming dalawa (hapon pa darating ang mga mga partners, just in time for the photo shoot). sabi ni benz yung mga volunteers raw na walang gagawin muna, baka gustong mag-attend ng mass. syempre dun kami ni abie. nagtanong si benz kung sino raw catholic. sabay na naman kami ni abie nagtaas ng kamay. in short, kami po ang naging readers. and as readers, we got to sit in the altar na naka-electric fan at kasama ang pari! hehe!

pag part ng songs, napansin ko, aba! eh mas magaling pang kumanta si abie kaysa sa singer ng sentimental groove (ay! hehe! no offense meant to the sentimental groove singer ha!).

as months passed, naging close na kami ni abie at syempre, as good friends are expected to do, siya pa nag-offer na kumanta sa kasal ko. syempre tuwang-tuwa ako! :)

ang galing ni abie kumanta. palpak lang yung organist nung church kasi ayaw sa kanyang pakantahin yung ibang songs. pero ang galing-galing pa rin. :)


Coordinators: Rhodora, Teenee, and Diosa

pinanindigan ko yung hindi ako kukuha ng coordinator. since sobrang hands-on bride naman ako, parang hindi ko naman kelangan, sabi ko. but as the day drew nearer, na-realize ko na sa sobrang OC ko, baka hindi ko kayanin at baka mag-coordinate ako sa mismong wedding ko! hahaha! ang hirap kasi since ang dami naming DIY stuff at kung anu-anong arte and of course, i wanted to make sure na magde-deliver yung suppliers ko so i needed people na magmo-monitor sa kanila at sisiguraduhin na okay talaga yung flow ng wedding. i have responsible, dependable friends pero since hindi naman sila into weddings, hindi pa rin pwede. buti na lang at nag-offer tumulong ang aming
w@wie friends na sobrang hulog talaga ng langit. at least sa kanila pwede kong ipagkatiwala yung kasal ko kasi alam ko they are as meticulous and as detail oriented as i am. (pag coordinator dapat sobrang detail oriented talaga eh.)

nauna sila sa lahat ng suppliers ko. they coordinated with my emcees and my ento. ang galing kasi sobra talaga nilang naka-jive yung mga kaibigan ko kaya enjoy yung wedding preps.

ang ayos ng ceremony namin because of them. maayos yung march. naka-setup yung gallery. nasunod yung mga little details na ibinilin ko sa kanila. ang ganda pa ng recessional namin. ang ayos ayos. talagang nakaka-excite lumabas ng simabahan kasi kita namin lahat ng friends namin na nakapila.

our reception went smoothly. kahit na bigla nag-iba yung layout ng tables, nagawan nila ng paraan and they were able to make good, logical decisions regarding the changes. they even went to my parents' home after para i-deliver yung gifts.

basta, sobra talaga akong thankful sa kanila. thanks, mga sis!


Emcees: Kat Guarin and Eric Asuncion

sobrang funny sila! friends ko sila from assumption. grabe yung patawa nila kasi sobrang spontaneous. what they did was, instead of making fun of us or of the audience, they made fun of themselves na sobrang okay talaga yung dating. hahaha!

kahit si edu cortez of little dreams complimented my emcees. ang galing raw nila!



as you can see, our wedding would not have been possible without the help and support of our friends. sobra talagang laki ng utang na loob namin sa mga kaibigan namin. without them, baka hindi naman kinaya. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home