Thursday, January 20, 2005

we've been married for one month!

hay! isang buwan na ang nakakaraan mula nang ikasal ako at magbagong buhay. sa isang buwan na yun, nalaman ko na sobra pala talagang mainitin ang asawa ko! biruin mo, sino ba naman ang taong naka-aircon na ay nag-e-electric fan pa?! juice ko ay tang! isang buwan na rin akong gumigising ng alas 5:00 para magluto ng agahan! samantalang dati rati pagkagising ko eksaktong tanghalian na! hahaha!

isang buwan... nalaman ko nang sobra pala talaga oc-oc itong napangasawa ko pagdating sa dumi sa bahay. aba! eh napakaburara kong tao, natuto tuloy akong maglinis.

isang buwan... sapagkat nung isang araw lamang kami nalagyan ng keybol sa telebisyon, isang buwan akong nabuhay ng walang teevee!!!! juice ko po talaga ay ponkana! biruin mo dati rati pagkagising ko sa umaga, kakapain ko na ang remote para buksan ang tibi. bago matulog sa gabi, siguradong naka-islip ang katabi kong tibi. tapos isang buwan! isang buwan! isang buwan! biruin mo! isang buwan na walang keybol! kung hindi nga ba naman pag-ibig ito, ewan ko na lang!

isang buwan na akong maybahay. tinatanong na ako ng nanay ko kung magaling na raw ako sa 'home management'. home management? ano yun? hahaha!

isang buwan na akong dumudungaw sa kapit bahay habang nagluluto sa may likuran. isang buwan ko nang pinagmumuni-munihan kung ano kaya ang buhay nila. hoy! hindi ako naging chismosa sa loob ng isang buwan... ni hindi ko nga nakikita ang mukha ng kapitbahay namin... bubong lang at kakapiranggot na garden nila ang tinatanaw ko araw-araw. talagang araw-araw lamang na ginawa ng diyos iniisip ko kung masaya kaya sila sa loob ng malaking bahay nila, anong klaseng tao kaya sila, at kung anu-ano pa. lahat yan, araw-araw, sa loob ng isang buwan.

isang buwan... natuto na akong gumawa ng menu para sa isang linggo nang, teyk note, walang nasisira, walang napapanis, lahat nauubos. aba! baka nga tama ang nanay ko! baka marunong na mag-home maneydgment!

isang buwan...

isang buwan...

isang buwan na akong gumisiging sa umaga ng masayang-masayang-masaya. nakikita kong katabi ko siya. maaaring yapusin anong oras ko man naisin.

isang buwan na akong nag-aabang ng pagdating niya galing sa opisina. sabik na muling yakapin siya.

isang buwan na akong sobra-sobrang nagpapasalamat sa Diyos sa pagbigay Niya sa akin ng isang taong mamahalin ko at minamahal ako ng buong puso at buong pagkatao.

isang buwan na kaming araw-araw magkasama, hindi nagkakasawaan, pakiramdam ko nga kulang pa.

isang buwan...

isang buwan...

isang buwan na puno ng pagbabago, ng saya, ng pakikibaka (parang wrestling!)...

isang buwan...

ang galing! ang dami palang pwedeng mangyari sa isang buwan. ang saya!

2 Comments:

Blogger Yax said...

hi clarice! happy monthsary! =)

ang saya saya, noh?! :D heheh!

Thursday, January 20, 2005 11:20:00 AM  
Blogger Nette said...

...1st of all happy monsary!it's nice to hear that everything is going well...sa buong isang buwan..hehe!

Saturday, January 22, 2005 8:29:00 AM  

Post a Comment

<< Home