bridal bouquet
passed by dangwa today with jojie. although we didn't have plans of going to mr. boy mahusay, i asked him if we could since we were already in the area and sayang naman time if i have to go back pa eh andun na kami. so we went to mang boy mahusay's stand. wala siya dun pero andun yung partner niya, si mang jon macaraeg. sabi ni mang jon wala daw si mang boy. sabi ko naman okay lang, basta magpapa-mock up lang ako. sabi ko ang gusto ko yung eksaktong-eksakto sa magiging bridal bouquet ko. so mang jon gathered the flowers i liked sa colors din na ni-request ko syempre and he proceeded to make my bridal bouquet (at least yung mock up). ang ganda lumabas!!! if ever na you'll be able to view the pics, i'm sure na kung hindi niyo magugutuhan, it will be because you won't like the colors or the flowers i chose but yung quality nung flowers na ginamit niya or yung arrangement mismo, ganda!
btw, mr. jon macaraeg is mr. boy mahusay's partner pero siya talaga ang gumagawa ng mga bouquet. from what i gathered kanina, forte ni mang boy ang malalaking arrangements while kay mang jon ang mga bouquets.
basta i'm really happy with my florist. nakakatawa pa silang kausap (dumating din kasi si mang boy after a while). so mega kwentuhan lang kami nila jojie the whole time. matagal na rin nila talagang ginagawa ito at sila talaga ang mag-partner.
i'm sorry nga pala for those we gave directions to their store tapos nahirapan. bago na pala itsura ng dangwa ngayon. iniba na at ang ganda na! basta if you're going to look for them, nasa dos castillas street sila, number 16 na store. look for mang jon or si mang boy. although si mang boy yung talagang kausap namin, abie and i have decided na si mang jon yung gusto naming mag-arrange ng bouquets namin kasi magaling siya talaga sa bouquets.
another thing, they do not own a stand at may nagbanggit nga na wala silang pwesto pero actually may pwesto sila kasi sila yung permanent flower arranger ng number 16 na stand talaga (jorielle ata yung pangalan nung flower shop, basta J nagsisimula). taga-baguio yung may-ari ng stand at bulaklak lang yung binabagsak sa dangwa tapos sina mang boy at mang jon na ang arranger nung bulaklak. in mang jon's words, sila raw ang "katiwaldas" nung number 16 na stand. haha!
my bridal bouquet!
1 Comments:
Hi clarice! I like your bouquet! It looks light and refreshing! :)
Post a Comment
<< Home