one millionth prenups! - ratings and kwento
Photographer: Little Dreams - Edu Cortez - 10!
i love our pictures and our photographer! edu cortez, our main photog for our wedding, is SOOOOO good! to think na ang bata pa nga niya (he's 23 years old) pero ang galing niya talaga! siguro rin kasi i really like the photojournalistic approach kaya nga nag-little dreams/decisive moments ako eh. although may script ng kaunti yung prenups, yung pag-capture ng "moments" totally depended on edu. isa pa, except for the last 12 pictures or so, hindi siya gumagamit ng flash so yung lighting namin totally dependent on the available light.
isa pa, we were able to get the CD kaagad after the shoot. pagbalik namin sa studio, ni-burn niya lang tapos okay na.
history: i was not supposed to have a prenup shoot sa little dreams but i realized that i haven't met our photog yet so i arranged for a pre-production meeting. jocelyn told me na mag-studio pictorial na lang daw ako. sobra akong happy kasi may prenup rin pala ako kahit papano sa little dreams. then when i met mel cortez last sunday, he told me na sa parks and wildlife na lang daw kami mag prenups! yey!
ang funny pa dun, a few days ago, joanna ni rey (hi sis!) told me na they're thinking of having their prenups sa parks and wildlife tapos na-inggit ako kasi hindi ko naisip na dun magpa-prenups! tapos nung nakita ko rin yung AVP ni rhodora at ryan, lalo kung ginusto na mag-prenups sa parks and wildlife pero dahil nga sangkatutak na ang prenups ko, i just let go. tapos nung sinabi ni mel na mag-parks and wildlife daw kami, halos ma-hug ko siya sa tuwa!!!!
so there! basta sobra ako happy tuloy with our photog. gusto ko style niya. i especially liked yung silhouette shots tsaka yung studio pics na naka-formal outfits kami pero very natural yun tawanan.
yun lang! :)
Make-up Artist: Brenda - 9.5
i need another make-up artist for my ento kaya i thought na mag-trial pa sa iba. isa pa, since yung main MUA ko is also part of my ento, ayoko naman siya i-harass masyado kasi kukuha na lang ako ng someone to do my hair.
i had two trials with brenda. the first was during rhodora's wedding. the second was for the pictorial. okay naman. i really like the make-up. feeling ko ang galing niyang gumawa ng bridal look.
so bakit 9.5 lang? what i did kasi was have brenda do my hair for rhodora's wedding and the pictorial. aside from these, i also made her do the exact hairdo i will have on my wedding day. dun sa hair sa wedding, sobrang walang problem. sobrang gusto ko at lalo na ng maid of honor ko. the prob was my hair during rhodora's wedding and the pictorial. although i really like brenda, i realized na hindi siya naniniwala sa akin pagdating sa buhok ko. sinabi ko naman kasi sa kanya na baka hindi kakayain nung silicone treatment na ilalagay niya sa hair ko at bubuhaghag pa rin yung buhok ko. pero sabi niya kakayanin daw. syempre hindi kinaya. during the pictorial naman, hindi ma-okay yung pagka-blower kaya hindi maganda yung effect. parang mas okay na nga lang kung pinabayaan na lang na curly yung hair ko kasi kaya ko naman ayusin ng matino yung buhok ko by just using mousse or gel. oh well!
pero since nga gusto ko yung magiging ayos ng buhok ko sa wedding (simple chignon lang), kukunin ko pa rin siya. tsaka sa make-up wala akong masabi kasi ganda talaga.
:)
1 Comments:
uy sister... sobrang ganda naman ng sunset pic na yan :) ang galing nga nya!!!
Post a Comment
<< Home