Tuesday, June 26, 2007

My bus ride today

Hindi naman ako burgis. Maarte ako pero hindi naman ako sosyal. Pero parang ayaw ko na maulit sa akin ito. :)

My day started with Jojie not feeling well. So instead of attending my 1130am meeting, I moved it to 1pm and I brought him to the doctor instead. Hindi pa kami nakikita ng doctor, I had to go na or else I would be late. I got to the meeting around 5 minutes late so okay lang. Pero sa super duper dami ng pinag-usapan namin, we finished around 430pm. The bride, knowing that I didn't have my car (nag-overheat ako nung isang araw and I needed to bring Arcy to the casa), asked if I would be able to go home. With confidence, I replied, "Oo naman, okay ako lang, ako pa!" I smiled and they left na.

Dahil hindi naman ako sanay sa Festival Mall (I live in QC), I asked around where I can get a cab. I was directed to the other side of the mall. Ang laki-laki ng Festival so ang layo ng linakad ko pero go lang. When I got to the taxi line, linapitan ako ng mga 4 na drayber at tinanong kung san ako pupunta. Sagot ko "Manong, Project 8 po pero may dadaanan lang ako sa Tektite". At ang sagot nila ng lahat "Okay. Mga 1 thousand yun, iha, kasi sa Tektite pa lang seven hunded or eight hundred na." Juice ko! "Ho? Para namang airport taxi!" "Eh magkano ba bayad mo papunta dito?" "Three hundred plus lang po, ako may sagot ng toll." "Eh kami sagot na namin yung toll." When I walked away, one of the drivers even caught up with me and haggled. Six hundred na lang daw hanggang Tektite. Juice ko! Ano ba yun!?

So I walked. May sign na "Bus Terminal" so sabi ko "Aba, bus na lang ako". Ako pa, sinabi ko sa sarili ko na kaya ko namang mabuhay ng walang kotse at taxi. But I realized that it was drizzling and I didn't want to get sick so I went inside the mall to buy an umbrella. Syempre sa kabilang dulo ng mall yung mga payong so bumalik ako dun at bumalik uli sa sakayan. On the way, I passed by National Bookstore to buy a magazine (Real Living). Sabi ko "Might as well spend for something na pwede kong gawin on the way home than pay P800 for a taxi ride!" Syempre pagbalik ko sa labas, wala nang ulan so walang saysay yung pagbili ko. Hahaha!

I walked to the "Bus Terminal". Lo and behold, company buses pala siya! Hahaha! Since I'm naturally an adventurer, I walked lang. Hindi ko alam san papunta pero sinundan ko lang yung mga tao. Lakad ako hanggang umabot ng Alabang-Zapote road. Dala ko yung magazine ko at payong, bag, at files. Syempre while deciding what to do, I couldn't resist buying streetfoods so kumain pa ako ng calamares sa daan (Piso lang isa. Lima binili ko. Masarap na rin. Isasawsaw mo sa suka.) Syemre bumili na rin ako ng pineapple juice. At syempre pati mani, pinadagdagan ko pa ng bawang dun sa manang.

Ito na, lahat ng bus na andun, papuntang Calamba! Hahaha! But I realized that every once in a while, may dumadaan na papuntang Crossing Ibabaw. So alam ko na may saysay na yung pinuntahan ko. Next goal was to actually ride a bus. So nakipag-habulan ako sa bus. Kasi hindi naman sila humihinto eh. Hahabulin ko sila. O di ba, isipin mo na ang dami kong dala at nakikipaghabulan ako. Sa arte kong ito!!! Hahaha! Nakasakay ako pero hindi aircon. Ayala Ilalim which is good and Crossing Ibabaw which is what I needed kasi I'd meet Jojie sa Shangri-La. PERO Sucat at Bicutan din. So ibig sabihin susuyurin niya pa yung Sucat at Bicutan! Pero sabi ko okay lang. Umupo na ako at kumain ng mani.

After 20 minutes, umabot na sa Metro Star (tama ba?) yung bus. Nakita ko na na maraming aircon buses dito so I got off and walked to the front of the bus pila. At least dun aircon yung mga bus. Eksakto, pagdating ko, Crossing Ibabaw yung bus! And, I couldn't believe my eyes "Skyway Derecho"!!! I was so happy that I boarded the bus. Pag-akyat ko ng unang step, may bumababa na tatlong tao. I gave way syempre. Pag akyat ko uli, puno na pala yung bus. As in wala nang upuan ni isa! But I so wanted to ride this bus kasi "Skyway Derecho" eh. Sabi nung kunduktor, "Dito ka na lang, miss, kung gusto mo. Wala nang upuan eh," referring to a can beside the driver. Hindi man lang upuan. Lata lang talaga. As in lata ng malaking Alaska. Or Promil kung sosyal ka. Pero dahil talagang nagmamadali ako, umupo ako. So ang liit ko ikumpara sa lahat ng tao. Mukha akong gusgusin at I'm sure mukha akong nakakaawa so I got my magazine and started reading. O di vah? Kahit na sa lata ako nakaupo, tungkol naman sa condo living ang binabasa ko! Hahaha!

When the bus reached Magallanes, many people got off and I decided to, too. I walked to the MRT station and rode the train to Shang. Sabi ko naman maarte ako pero hindi ako reklamadora and cowboy naman ako pero sana hindi ko na kailanganing umupo sa lata sa tabi ng drayber eber!

:)

Labels:

2 Comments:

Blogger Kaje said...

Adventure nga! :) pero at least naexperience mo hihihihi

have a nice weekend! :)

khristine ni rommel

Thursday, June 28, 2007 2:28:00 PM  
Blogger lengirl said...

ang kwela ng experience mo clarice, brought back memories of when i was still living and commuting from the south! hehehe. mabuhay ang mga cowboy!

Thursday, June 28, 2007 6:24:00 PM  

Post a Comment

<< Home